MY HOPE AND MY FUTURE

 

Bawat isa ay may pangarap. Naniniwala ako na kahit gaano man kahirap ng buhay ang isang pangarap napakahalaga sa ating bawat isa at dapat nating itong pagsumikapang makamit. Ang pangarap ay parangkung paghihirapan makakamit mo ito kahit gaano kahirap ng buhay ng bawat isa sa atin.

Naalala ko nung elementarya palang ako sobrang tamad ko mag-aral yung tipong lagi pa ako naiyak sa umaga pag papasok na ngunit pag dating ko ng junior high school naging masipag na ako at sabi ko sa mga magulang ko gusto ko maging isang chief, pulis, at doktor. Halos parang andami kong gustong maging sa pagtanda ko . At ngayong nasa tamang edad na at na senior high school na  ako napag desisyonan ko na kumuha sa kolehiyo ng kurso pulis ngunit nagugulohan pa rin ako kase gusto ng aking mga magulang na maging isang guro ako. Hanggang ngayon hindi ko alam ang kukuhain ko guro ba na gusto ng aking mga magulang o pulis na pangarap ko talaga. Pero darating din naman yung araw na pipiliin ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Dahil ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na trabaho at buhay sa hinaharap.

Nagpapasalamat ako sa dalawang kumpanya na “Candlelight Café” at “CDIC”, dahil sa mga karanasan na ibinigay niyo sa akin. Sa mga naranasan ko sa dalawang lingo sa pagtatrabaho ko ay ay namulat sa katotohanan at ang importansya ng isang trabaho. Dahil din sa inyo ay natuto akong mangarap. Kaya naman ako’y masisikap na makamit ang pangarap ko dahil sa karanasan na ibinigay ninyo nagkaroon lalo ako ng lakas para lalo kong makamit ang aking pangarap na maging isang mabuting pulis sa ating bansa.