INTRODUCTION

Ako si Alyssa Jaira M. Herrera, labing pitong taong gulang nakatira sa masaya at mapayapang barangay ng lumbang lungsod ng lipa. ako ay pangalawang anak sa tatlong magkakapatid. Sa kasalukuyan ako ay nag-aaral sa paralang “The Nazareth School”. Ako ay nasa ika labing dalawang baitang nakumukuha ng kursong HUMSS o kaya Humanities in Social Science. Ito ang kinuha ko dahil gusto kong maging isang PSYCHOLOGY balang araw.

Sa pamamagitan ng “Work Immersion” inaasahan ng mga guro namin na makikita at mas mauunawaan naming mag-aaral ang mga kahalagahan at aplikasyon ng aming mga natutunan sa paaralan.Ito rin ang isang uri ng pagpapalawak at pagpapalalim sa “K to 12 Curriculum”.

Ang blog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para sa “talaan sa web”. Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawing talaarawang nasa internet.  Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog. Sa pamamagitan ko ng isang Blog ibabahagi ko sa inyo ang aking mga natutunan ,naranasan at kung paano makisalamuha sa ibang tao.Dito ninyo malalaman ang kahalagahan ng isang “work immersion” napakahalaga nito sa isang estudyante kagaya ko. Dahil dito natin malalaman kung gaano tayo katatag sa pagtatrabaho o paano tayo makisalamuha sa ibang tao.Dito natin malalaman na hindi basta basta ang pagtatrabaho. Kailangan nating malaman na pinaghihirapan ang lahat para maging matagumpay sa buhay. Matutunan din natin na ang patatrabaho ay hindi lamang para kumita ng pera, kundi para mapalawak ang ating kaalaman at magkaroon ng tiwala sa sarili bilang isang individual. Sana marami kayo matutunan sa aking gagawin blog na ito.

MY FIRST DAY AT WORK

Unang araw ng aming pagtatrabaho. Kinakabahan ako kase ngayon ko palang mararanasan ang pagtatrabaho. At nakakapanibago kase hindi ako sanay na gumising ng napakaaga ngayon ko lang yun naranasan ng dahil sa pagtatrabaho. Unang  araw ng pagtatrabaho iniisip ko na agad kung ano ang gagawin at kung anong ugali ng mga makakaharap namin. Habang nag-aantay kami naisip ko kung mahirap o madali lang ba ang ang pagagawa sa amin atnatutunan naming mag antay ng mahigit isang oras dahil sa napaaga kami ng dating ang bukas pa pala ng “CANDLELIGHT CAFÉ” AY 8:00 ngunitkami at dumating ay 6:30. Sa pag aantay namin may nakakita sa amin na isang babae at siya ay si ate mirna ang taga luto sa restaurant tinanong niya kami kung kami ang mga mag-oojt. Makalipas ang ilang oras napagisip-isip naming na tanungin si ate mirna kung ano angf maari naming gawin sabi niya ya magwalis nalang muna daw kami ng harapan at nung natapos naming ang pag wawalis nakilala na naming ang may ari ng “CADLELIGHT CAFÉ” na si Mrs. Marichu siya ay isang doktora at isang magaling na mangguguhit. Matututunan mo kay Mrs. Marichu na maging masaya lang lagi sa lahat ng mga gagawin.

Dahil unang araw pa nga lang naming pinapunta kame sa ibat ibang station para walisan din ang lugar at tanggalin ang mga agiw-agiw sa sa paligid.Tuwang tuwa kame nang sabihin samen ni doc na pwedi daw kame maka experience na mag mosaic kame sa pader malapit sa cafe. Halos mag hapon din kameng nag mosaic sa harap ng cafe hindi namin natapos lahat kaya sabi samin ni Dok ay pwedi naman daw sa sunod na araw nalang namin gawin dahil first day palang naming.Nang pumatak na ang 5:00 pm sabi sa amin ni dok ay maaari na kami umuwi.

MOST IMPORTANT ATTITUDE IN A WORKPLACE

Maraming katangian ang kailangan natin sa ating lugar na pinagtatrabahuhan. Dapat nating linangin ang ibat ibang katangian dahil ito ang magdadala sa ating magandang kinabukasan. Ang isang empleyado ay dapat nagtataglay ng ibat-ibang katangian ito ay katapatan, mabuting katrabaho,matiyaga, may pakikisama, at masipag.

Ang katapatan ay isang mahalagang katangian na dapat ipamalas at linangin ng mabuting empleyado at ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o pagkamatapat. Ang mahusay na katrabaho ay ang pagtulong sa mga katrabahong na­ngangailangan ng tulong o kaya may ilan na nagigipit. Walang masama ang tumulong lalo na kung may maitutulong ka naman. Mas masarap sa pakiramdam iyong nakatutulong ka imbes na ikaw ang humihingi ng tulong. Ang matiyaga ay isang mahalaga at pambihirang katangian. Minsan gusto natin ang gusto natin, at gusto natin ito ngayon din. Samakatuwid, ang ideya mismo ng pagtitiyaga ay tila hindi kasiya-siya at kung minsan ay masaklap. Gayunman, kung wala tayong tiyaga, tunay ngang ang pagtitiyaga ay nagpapadalisay na proseso na nagpapahusay ng pang-unawa, nagpapalalim ng kaligayahan, nagtutuon sa pagkilos, at naghahandog ng pag-asa para sa kapayapaan. Ang pagiging masipag- ito ay isa sa mga kaugaliang maraming tao ang nagtataglay. Pagkakaroon ng kusa sa mga gawaing alam nating makabuluhan at kakaibang kagustahang gawin o tapusin ang isang bagay kapalit ma’y pagod at sakit ng katawan. Ang salitang “masipag” ay ang katangian ng isang tao na maging aktibo at masikap sa kanyang mga gawain.  Ito ay isang pang-uri na naglalarawan sa mga taong gumagamit ng kanilang oras upang kumpletuhin ang anumang nakaatang na trabaho. Nang dahil sa mga katangiang ito magiging maunlad ang isang kompanya kung ang bawat empleyado ay magtataglay nito.

FEATURED WORKPLACE

Maraming katangian ang kailangan natin sa ating lugar na pinagtatrabahuhan. Dapat nating linangin ang ibat ibang katangian dahil ito ang magdadala sa ating magandang kinabukasan. Ang isang empleyado ay dapat nagtataglay ng ibat-ibang katangian ito ay katapatan, mabuting katrabaho,matiyaga, may pakikisama, at masipag.

Ang katapatan ay isang mahalagang katangian na dapat ipamalas at linangin ng mabuting empleyado at ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o pagkamatapat. Ang mahusay na katrabaho ay ang pagtulong sa mga katrabahong na­ngangailangan ng tulong o kaya may ilan na nagigipit. Walang masama ang tumulong lalo na kung may maitutulong ka naman. Mas masarap sa pakiramdam iyong nakatutulong ka imbes na ikaw ang humihingi ng tulong. Ang matiyaga ay isang mahalaga at pambihirang katangian. Minsan gusto natin ang gusto natin, at gusto natin ito ngayon din. Samakatuwid, ang ideya mismo ng pagtitiyaga ay tila hindi kasiya-siya at kung minsan ay masaklap. Gayunman, kung wala tayong tiyaga, tunay ngang ang pagtitiyaga ay nagpapadalisay na proseso na nagpapahusay ng pang-unawa, nagpapalalim ng kaligayahan, nagtutuon sa pagkilos, at naghahandog ng pag-asa para sa kapayapaan. Ang pagiging masipag- ito ay isa sa mga kaugaliang maraming tao ang nagtataglay. Pagkakaroon ng kusa sa mga gawaing alam nating makabuluhan at kakaibang kagustahang gawin o tapusin ang isang bagay kapalit ma’y pagod at sakit ng katawan. Ang salitang “masipag” ay ang katangian ng isang tao na maging aktibo at masikap sa kanyang mga gawain.  Ito ay isang pang-uri na naglalarawan sa mga taong gumagamit ng kanilang oras upang kumpletuhin ang anumang nakaatang na trabaho. Nang dahil sa mga katangiang ito magiging maunlad ang isang kompanya kung ang bawat empleyado ay magtataglay nito.

VALUE OF HARD WORK

 

Pagiging masipag- ito ay isa sa mga kaugaliang maraming tao ang nagtataglay. Pagkakaroon ng kusa sa mga gawaing alam nating makabuluhan at kakaibang kagustahang gawin o tapusin ang isang bagay kapalit ma’y pagod at sakit ng katawan. Ang salitang “masipag” ay ang katangian ng isang tao na maging aktibo at masikap sa kanyang mga gawain.  Ito ay isang pang-uri na naglalarawan sa mga taong gumagamit ng kanilang oras upang kumpletuhin ang anumang nakaatang na trabaho. Ang  silbi ng pagiging masipag ay hindi isasaalang-alang ang oras at panahong kailangan mo upang matapos ang iyong Gawain. Kung  masipag tayo at mapanahong tao, masusukat natin ang ating kakayahang tapusin ang isang bagay hindi lang dahil ginusto natin, kundi dahil kinakailangan din. Kumikilos ng ayon sa rekwayrd at kailangang oras. Sa gayong paraan, nagagamit natin ng sapat ang ating kakayahan sa sapat ding oras. Tunay at hindi mapagkakailang tama at wasto. Kung anu’t anu pa man ang mapiling taglalayin ng bawat isa sa atin, mahalaga’y na sa atin ang desisiyon.

Ang magagandang naidudulot ng pagiging masipag ay mas madali mong mararating ang iyong gusto sa buhay dahil meron lahat ng tao ay hindi naman palaging matiyaga masipag at may tiwala sa sarili ang ibang tao naman ay walang  tiwala  sa kanilang sarili kaya hindi nila nararating ang gusto nila sa hinaharap Ang pagiging masipag at isang mabuting asal ng isang Pilipino o bata inhalingtulad natin Ito sa isang istudyante, Kung ang estudyante ay masipag at matiyaga mag aral Ito ay makakukuha ng mataas na grado. Ang pagiging masipag ay nakatutulong sa tao upang patuloy na maging masikap sa paggawa at harapin ang anumang hamon para sa ikatatagumpay ng gawaing ipinagkatiwala sa kanya.

WHAT IS MOST DIFFICULT AT WORK

Bilang isang estudyante palamang ang pagtatrabaho ay isa na rin sa kailangang gawin upang makakuha ng karanasan. Sa dalawang linggo kong karanasan sa pagtatrabaho sa dalawang kumpanya na “Candlelight Cafe” at “CDIC (Children Developmental and Intervention Center )”, Ako bilang isang magaaral ang aking masasabi na ang pagtatarabho ang pinakamahirap na nakaatas sa akin na gawain sa candlelight cafe  ay yung paggawa ng mosaic gamit ang tiles dahil pag naramihan mo ng lagay ng pandikit at papatak ito at napakahirap din magbasag ng tiles kase hindi mo alam kung anong sukat ng babasagin mon a pwedeng idikit dun at isa pa ay yung pagtulong mo sa mga bata dahil napakalikot nila minsan nga nilalagyan nila kami ng pintura sa mukha o damit pero okay lang kase parte yung ng karanasan sa pagtatrabaho yung lang naman para sa akin ang naranasan kong na mahirap. Sa CDIC (Children Developmental and Intervention Center)  siguro ay yung pagbabantay naming sa mga bata na may kapansanan ang iba dahil naranasan ko masabunutan, masuntok, makurin at masipa pero okay lang kase kailangan naten sila intindihin.

Sabi nga nila “wala namang madaling trabaho” tama nga naman yun dati hindi ako naniniwala ngayon naniniwala na ako dahil ako mismo na mismo ang nakaranas at sa dalawang linggo ng aming OJT, nakaranas ako ng hirap.

FEATURED WORK PLACE #2

 

Children Developmental and Intervention Center of Lipa  CDIC-Lipa , na nakatayo sa eksaktong lokasyon ng dating Magsino General Hospital sa sulok ng J.P. Rizal Street at G.A. Solis Street sa Lipa City,Sa unang araw namin sa pagpunta  sa CDIC ay nahirapan kame sa pag hahanap sapagkat hindi namin kabisado ang papunta. Kaya naman nagtanong tanong nagtanong tanong kami sa mga taong makita namin dun. dahil unang araw sempre napaaga kami kase nga unang araw ea. Dahil napaaga nga kami nagantay kami ng mga dalawang oras sa pag aantay namin nakita namin si kuya janitor at sabi sa namin ay kuya ano po ora ang bubukas ang CDIC nung sinabi niya na 8:00 nagsisihan kami kase mga agang aga namin mga nagsipasok nung buksan na ang pinto ng CDIC namangha kami dahil sa magandang pasilidad nito. At may nakita kami na babae sa front table naisip namin na itanong si Ms. Raicy at sabi niya ay umupo muna kami dahil wala si Ms. Raicy. Ilang minuto lamang ay dumating na siya at sabi sa amin kayo ba ang mga taga The Nazareth School sabi namin opo at ilang minutos lamang ang nakalipas ay iniassign na kami sa aming mga pagtatrabahuhan at ang nakasama ko sa isang silid aralan ay si rochelle sa isang silid aralan na iyun dun namin nakilala si ms. mabs na nakaassign sa silid aralan na iyun at pagkatapos nung nag si datingan na ang mga bata at nagpakilala kami sa kanila at nagpakilala din sila sa amin sila . sila ang lima lamang sa isang silid aralan. pagkatapos nun ay naglunch kami sabay-sabay. pagkatapos namin maglunch iniassign naman kami sa pagoobserb ng pagtuturo sa mga bata at sa isang linggo na iyun yun lang ang aming ginawa. ngunit sa isang linggo na iyun naranasan ko masabunutan, masipa, makurit at masuntok pero okay lang bata naman kase sila. At Naranasan ko din na mag turo sa mga bata sa isang silid aralan. Sa CDIC napakababait ng mga guro dahil itinuturin din nila kaming isang tunay at kapwa guro.

 

IF I WERE A BOSS

 

Image may contain: 1 person, standing

Kung ako ay magiging boss balang araw tutuladin ko ay si Doc. Marichu dahil kapag nagtatrabaho ka na sa kanya bawal ang gumamit ng cp lalo na pag oras ng pagtatrabaho.Ayaw niya na makikita ka niya nang walang ginagawa Kailangan tutulungan mo siya sa pag-aasikaso ng mga bata. At kailangan lagi kang nakangiti sa mga nadating na tao.Dapat hindi ka mareklamo kung ano ang ipapagawa sayo dahil wala ka pa namang nararating.Madami po siyang ibinigay na payo para sa aming hinaharap.Sabi niya sa pagnenegosyo kailangan nandun ang sipag at tiyaga. Kung dumating man po yung araw na magiging ‘’boss’’ako siguro po gagawin ko din yung mga ginawa niya.Siya po ang magiging inspirasyon ko po dahil madami silang naibigay na payo sa amin.Magiging strikto din po ako sa trabaho pero kapag hindi na ora ng trabaho ituturing ko silang mga kaibigan ko para maging maganda ang trabaho ng mga empleyado ko.At magiging maayos akong’’boss’’ sa kanila dahil gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para matulungan ko sila sa kanilang mga gawain. Hindi ko siya gagayahin dahil lang sa mga patakaran niya dahil siya ay marunong makisalamuha sa ibang tao istrito siya sa trabaho ngunit pag hindi na oras ng trabaho siya ay napakabait. Kapag hindi na oras ng trabaho siya ay nakikipagkwentuhan sa amin na para lang kaibigan o kaya prang anak lang niya.

FEATURED EMPLOYEE

Sa “Candlelight Cafe” meron kaming nakatulong at nakilala na empleyado mga emplaydo na ito ay sina Ate Mirna at si Kuya Mac-Mac. Sa unang araw naming una naming nakilala si Ate Mirna siya ay isang yung taga luto ng pagkain at taga bigay ng mga pagkain. Siya ay napakabait sa amin. Pangalawa naman na nakilala naming ay si Kuya Mac-Mac siya yung isang empleyado ng Candlelight Cafe na sobrang close namin dahil hindi niya kami itinuring na isang katrabaho kundi tinuri niya kami na isang kaibigan at isang kapamilya. At isang katangian na nakita ko sa kanya ay mahilig siya magkwento at sumabay sa aming biruan kung halos maghapon kami tatawa pag siya ang kasama namin. Si ate mirna at kuya mac-mac ay ang mga nakasama namin ng isang linggo lamang, ngunit naging masaya naman kami na nakikilala namin sila dahil natuto kami ng pag-uugaling maging responsible na mailalapat namin kapag kami ay nagkatrabaho na balang araw.

IMPORTANT LESSON LEARNED

 

Sa pagtatrabaho ko may tatlong tumatak sa isip ko na napakahalagang natutunan. Una ang saloobin ay mas mahalaga kaysa output dahil sa simula pa, ang pagtatatag na ikaw ay positibo, ang mga empleyado na nakatuon sa solusyon ay magiging mas mahalaga kaysa sa aktwal na output. Pangalawa ay gamitin ang iyong magandang kaugalian. Dahil ang isang “pakiusap” at isang “salamat” ay maaaring maging mahabang paraan, at ang paglikha ng malakas na relasyon sa mga nasa paligid mo katulad nalang ng boss, katrabaho mo at sa iba pang tao dahil ito ay napakahalaga. Pangatlo ay huwag mawalan ng pag-asa kapag ang mga problema ay lumitaw. Ito ay tinanggap dahil ito ay isang pagsubok lang sa bawat isa. Sa halip na manatili sa mga hamon, manatiling nakatuon, positibo, at nag-aalok ng mahahalagang solusyon. Sa pagtatrabaho ko natutunan ko ang kasanayan sa trabaho, mula sa pag-aaral tungkol  at pag-angkop sa kultura ng lugar ng trabaho sa pagpapahalaga ng oras at pagtutulungan ng magkakasama.