Maraming katangian ang kailangan natin sa ating lugar na pinagtatrabahuhan. Dapat nating linangin ang ibat ibang katangian dahil ito ang magdadala sa ating magandang kinabukasan. Ang isang empleyado ay dapat nagtataglay ng ibat-ibang katangian ito ay katapatan, mabuting katrabaho,matiyaga, may pakikisama, at masipag.

Ang katapatan ay isang mahalagang katangian na dapat ipamalas at linangin ng mabuting empleyado at ang katapatan, na tinatawag ding katapatang-loob, pagkamatapat na loob, o pagkamatapat. Ang mahusay na katrabaho ay ang pagtulong sa mga katrabahong nangangailangan ng tulong o kaya may ilan na nagigipit. Walang masama ang tumulong lalo na kung may maitutulong ka naman. Mas masarap sa pakiramdam iyong nakatutulong ka imbes na ikaw ang humihingi ng tulong. Ang matiyaga ay isang mahalaga at pambihirang katangian. Minsan gusto natin ang gusto natin, at gusto natin ito ngayon din. Samakatuwid, ang ideya mismo ng pagtitiyaga ay tila hindi kasiya-siya at kung minsan ay masaklap. Gayunman, kung wala tayong tiyaga, tunay ngang ang pagtitiyaga ay nagpapadalisay na proseso na nagpapahusay ng pang-unawa, nagpapalalim ng kaligayahan, nagtutuon sa pagkilos, at naghahandog ng pag-asa para sa kapayapaan. Ang pagiging masipag- ito ay isa sa mga kaugaliang maraming tao ang nagtataglay. Pagkakaroon ng kusa sa mga gawaing alam nating makabuluhan at kakaibang kagustahang gawin o tapusin ang isang bagay kapalit ma’y pagod at sakit ng katawan. Ang salitang “masipag” ay ang katangian ng isang tao na maging aktibo at masikap sa kanyang mga gawain. Ito ay isang pang-uri na naglalarawan sa mga taong gumagamit ng kanilang oras upang kumpletuhin ang anumang nakaatang na trabaho. Nang dahil sa mga katangiang ito magiging maunlad ang isang kompanya kung ang bawat empleyado ay magtataglay nito.